Tuesday, March 16, 2010

Sapin sa aking paa



May kahabaan na din ang mga panahon na ang aking mga munting paa ay nag palibot-libot upang maghanap ng kanlungan, at sa kanyang walang kapagurang pagliliwaliw at nakasumpong ng isang mabuting kanlungan. Sa GaLa nya natagpuan ang kapahingahan at kaukulang pag pansin sa pagal at sugatang talampakan. Salamat at me tsinelas na sa aking munting talampakan ay muling sasalo sa mga tinik at bubog na sa malawag na daanan ay nagkalat.

Ang aking munting paa, nag papasalamat sa sapin na dulot ng sinelas. Kung ang puso mo ay maantig, nawa'y sana maging daan ka din ng pag papala sa aming mga munting paa - sinelas para sa aking paa.

No comments:

Post a Comment