Monday, January 18, 2010

Sa gilid ng bahay kubo ni Juan



Makalipas ang mga araw pagkatapos ng pananalansa ni Ondoy, sa bandang likuran ng Bahay Kubo ni Juan ay may malaking soler na hindi pa na i papasailalim ng subdibisyon. Ito ang ginagawang pananiman pag tag-araw at maliit na palaisadaan kapag tag-ulan. Ang mga batang ito na dapat sana ay nasa paaralan subalit sila ay napipilitan tumulong sa kanilang mga magulang na mag hanap ng kanilang isusubo sa pang araw-araw. Subalit sa kabila nito ay makikita ang kasayahan sa tamis ng ngiti na namumutawi sa kanilang mga labi.

Friday, January 15, 2010

Mga Kababayan ni Juan




Sa kabundukan ng Sierra Madre na kaya lamang marating ng pag lalakad ng humigit kumulang sa apat na oras, ang mga katutubong Dumagat ay piniling manirahan at ipag patulo ang pamumuhay ng may katahimikan, kapayapaan, karangyaan ng kalikasan, at kalinisan ng kapaligiran. Salat sa makabagong yaman at mga kaginhawan nga bang matatawag na dala ng pag-unlad, matahimik at masayang namumuhay ang mga Dumagat. Kapos man sa kaalaman dahit na din sa walang paaralan at guro na maka pag silbi sa kanilang pangangailangang edukasyonal, mayaman naman sa sila sa mga natatanging pagkatao na umiikot sa pagiging mapagpakumbaba, makatao, at mapag mahal ng kapwa.